Home ENTERTAINMENT Netizens, aliw kay Jake sa BQ!

Netizens, aliw kay Jake sa BQ!

248
0

Manila, Philippines- Isa kami sa regular viewers ng “Batang Quiapo” at sobrang naaaliw kami sa takbo ng istorya ng nasabing serye ng Kapamiya network.

Although may mga pangyayaring medyo hindi na makatotohanan ay yun naman ang lalong nagpapaganda sa programang pinagbibidahan, directed and produced by Coco Martin, huh!

Sobrang dami ng twist na ikinagugulat ng mga viewers, huh!

Nakakaaliw ang mga roles ng mga bida, hindi lang kay Coco kundi lalo na kay Jake Cuenca, huh!

Si Jake ay ilan lang sa mga actors na napaka-professional at walang angal kahit na anong ipagawa sa kanya sa serye.

Pinasayaw siya ng ilang beses, nauna na ‘yung rehearsal na ginawa sa Luneta bilang paghahanda sa production number niya bilang nangangampanya sa pagka-Mayor sa Lungsod ng Maynila.

Napakataas daw ng viewership ng naturang episode at pinakain na naman ng alikabok ang katapat, huh!

Maraming mga tagaroon sa location taping ang nakasaksi at kinuhang “ekstra”.

Tuwang-tuwa sila na nakita si Jake na nagsasayaw and in fairness, hindi raw isnabero ang aktor at kinawayan pa raw sila.

Higit sa lahat, nakikipag-usap pa sa kanila si Jake in between takes, huh!

At sa napanood namin sa telebisyon sa mismong proklamasyon ni Jake ay sumayaw siya with matching back-up dancers at hindi pa nakuntento dahil nag-alis pa ng pang-itaas ang aktor.

Kahit na hindi gaanong kagandahan ang abs ni Jake ay sexy pa rin naman at for sure, marami siyang pinasayang LGBTQ+ community.

“Oo nga, nagulat ako nu’ng napanood ko.  Hindi naman nagsasabi sa akin ‘yan, ha, ha.  Akalain mo, napasayaw ni Coco ang alaga kong si Jake,” say pa ng manager ng aktor na si Neil de Guia.

Kuwento pa ni Neil, akala raw niya ay magta-topless lang daw ang alaga niya sa naturang episode pero may mas matindi pa pala, nakipag-barilan pa ito ng naka-brief lang at puti pa, huh!

“Kung anu-ano na lang pinagagawa, buti na lang nagte-trending,” natatawang sabi ni Neil.

In fairness, walang malisyang nakipaghabulan at nakipagbarilan si Jake nang naka-brief.

Mahaba ang eksena dahil halos buong bahay mula taas, baba at hanggang bakuran ay naka-briefs lang siya.

Ilang beses kayang kinunan iyon sa iba’t ibang anggulo? Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here