MANILA, Philippines – Wala na namang nanalo sa jackpot ng major lotto na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Hulyo 28.
Ang premyo para sa Grand Lotto 6/55 ay umabot na sa P42,349,332.60. Wala namang nakahula ng winning numbers para rito na 12-13-55-02-30-14.
Samantala, para sa Megalotto 6/45 ay wala ring nakahula ng tamang winning combination na 16-29-19-14-35-31 sa jackpot prize na P15,412,338.40. RNT/JGC