Home METRO ika-9 pugante sa Batangas, huli ng mga parak; 1 hinahanap pa

ika-9 pugante sa Batangas, huli ng mga parak; 1 hinahanap pa

314
0

MANILA, Philippines — Nahuli na ang ika-siyam sa 10 preso na nakatakas sa Batangas Provincial Jail, na may isang hinahanap pa, inihayag nitong Martes, Hulyo 29, 2025.

Ang mga preso ay tumakas sa kulungan bandang alas-10 ng umaga noong Lunes, Hulyo 28, matapos itutok ng isa sa mga bilanggo ang isang ice pick sa hindi pa nakikilalang guwardiya ng kulungan at kinuha ang kanyang service firearm.

Tatlo sa mga nakatakas na preso ang muling naaresto sa Barangay Quilo, bayan ng Ibaan, bandang alas-10:30 ng umaga noong Lunes, habang lima pa ang nahuli sakay ng bus sa isang expressway sa Santo Tomas City bandang ala-1:30 ng hapon sa parehong araw.

“About 7:30 p.m. [on Monday]… through the information of a concerned citizen, [police officers] were able to catch and arrest,  and one escapee identified as Loreto Linatoc Jr. in Barangay Salaban I, Ibaan, Batangas,” ayon sa isang spot report mula sa provincial police.

“Further, this station is still conducting a hot pursuit operation for the possible arrest of one remaining escapee identified as Gerald Herrera,” dagdag pa nito.

Noong Lunes, ipinag-utos ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang buong imbestigasyon sa pagtakas ng mga bilanggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here