Home METRO Multa sa paglabag trapiko ng motoristang nabaha, iuurong -LTO

Multa sa paglabag trapiko ng motoristang nabaha, iuurong -LTO

264
0

MANILA, Philippines — Ayon sa Land Transportation Office (LTO) ang mga multa para sa mga paglabag sa trapiko, late vehicle registration, at driver’s license renewal para sa mga motorista sa mga lugar na apektado ng malawakang pagbaha at iba pang masamang epekto na dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat ay pansamantalang aalisin.

Ayon sa isang memorandum na nilagdaan ni LTO chief Greg Pua na inilabas noong Martes, ang 15-araw para sa pag-aayos ng mga kaso ng traffic apprehension na may petsang mula Hulyo 21 hanggang Hulyo 25 sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad ay pinalawig “to maximize the assistance to affected motorists.”

“The last day for the settlement of fines on said apprehensions without penalty shall be on August 8, 2025,” saad ni Pua sa isang memorandum na inisyu sa LTO regional directors, officials, at employees.

Ang validity ng vehicle registration at driver’s license renewal na nakatakda mula Hulyo 21 hanggang 25 ay pinalawig din hanggang Agosto 8.

Sinabi ni Pua na pansamantalang aalisin ang mga parusa para sa mga sasakyang de-motor, kabilang ang mga motorsiklo, na binili sa pagitan ng Hulyo 21 at 25 ngayong taon na hindi nakarehistro sa loob ng itinakdang panahon.

Idinagdag ng LTO chief na ang pagbibilang ng mga araw batay sa sales invoice para sa mga sasakyang binili sa pagitan ng Hulyo 21 at 25 ay magsisimula sa Agosto 8 “to avoid the penalty for late registration of new motor vehicles.”

Ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ay tinamaan kamakailan ng Tropical Cyclones Crising (international name: Wipha), Dante (Francisco), at Emong (Co-May), gayundin ang southwest monsoon o habagat, na iniulat na nakaapekto sa 3.84 milyong indibidwal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here