MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na susunod ito sa marching orders ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magsumite ng listahan ng lahat ng kanilang flood control projects.
Sinabi ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na lahat ng kasalukuyang proyekto ay naka-audit bago tanggapin ito ng gobyerno.
Ayon pa kay Bonoan, babantayan ng ahensya ang lahat ng flood control projects at iimbestigahan kung mayroong anumang anomalya.
Dagdag pa ng opisyal, regular silang nagsusumite ng report sa Pangulo sa kanilang proyekto.
Paliwanag ni Bonoan, bawat DPWH ay may isang taong warranty period.
Aniya, bago pa man ipag-utos ng Pangulo na magsumite ng listahan ng flood control projects, mayroon na silang listahan ng lahat ng kasalukuyang proyekto na hawak pa rin nila. Jocelyn Tabangcura-Domenden