MANILA, Philippines – Isang duguang bangkay ang natagpuan sa loob ng drum malapit sa creek sa Barangay Palingon, Taguig City nitong Martes ng madaling araw.
Nadiskubre ito ng mag-asawang magtatanim sana ng pananim.
Hinala nila’y bago lang pinatay ang biktima dahil sa preskong dugo at kawalan ng amoy.
Ayon sa kanila, hindi ito ang unang beses na may natagpuang bangkay sa lugar na malayo sa CCTV.