Home NATIONWIDE Isyu sa right-of-way sa Ortigas subway, sosolusyunan agad

Isyu sa right-of-way sa Ortigas subway, sosolusyunan agad

111
0

MANILA, Philippines – Nangako sina Transportation Secretary Vince Dizon at Pasig City Mayor Vico Sotto na lulutasin ang mga isyu sa right-of-way (ROW) na nagpapabagal sa pagtatayo ng Ortigas Station ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

“Nagsama-sama kami para humanap ng solusyon. Sana sa loob ng ilang linggo, makapagsimula na ang konstruksyon,” ani Dizon.

via Danny Querubin

Nagpahayag naman si Sotto ng buong suporta mula sa lungsod ng Pasig. “Kami sa Pasig LGU, sabik na rin sa subway. Gagawin namin ang lahat para makatulong,” aniya.

Noong Hulyo 17, inutusan ni Dizon ang mga kontratista ng MMSP na pabilisin ang ₱488.5-bilyong proyekto.

Target ng 37-kilometrong subway na may 17 istasyon na paikliin ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA sa Pasay mula 1 oras at 10 minuto, patungong 45 minuto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here