MANILA, Philippines – Nangako sina Transportation Secretary Vince Dizon at Pasig City Mayor Vico Sotto na lulutasin ang mga isyu sa right-of-way (ROW) na nagpapabagal sa pagtatayo ng Ortigas Station ng Metro Manila Subway Project (MMSP).
“Nagsama-sama kami para humanap ng solusyon. Sana sa loob ng ilang linggo, makapagsimula na ang konstruksyon,” ani Dizon.







