Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng Pinas uulanin sa habagat

Ilang bahagi ng Pinas uulanin sa habagat

268
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Makakaranas ng paminsan-minsang pag-ulan ang Ilocos Norte, Apayao, at Babuyan Islands, na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.

Ang Central Luzon, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, at Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Posible ang pagbaha o landslide sa matinding pag-ulan.

Bahagyang maulap hanggang maulap ang papawirin sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm. Posible ring magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa sa matitinding thunderstorm.

Malalakas na hanging timog-kanluran ang mararanasan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon na magreresulta sa maalong karagatan. Katamtaman hanggang malakas na hangin naman ang sa nalalabing bahagi ng Luzon, habang mahina hanggang katamtaman ang hangin sa Visayas at Mindanao, na may banayad hanggang katamtamang alon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here