Home NATIONWIDE 4 puganteng SoKor nat’l, naaresto sa Pampanga

4 puganteng SoKor nat’l, naaresto sa Pampanga

202
0

MANILA, Philippine – NAARESTO ng mga operatiba mula sa Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang apat na South Korean national dahil sa umano’y pagkakasangkot sa maraming online fraud schemes sa isinagawang operasyon sa Angeles, Pampanga.

Ayon sa BI, isinagawa ang naturang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Korea, Philippine Air Force sa Northern Luzon, at Clark Development Corporation, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong lalaking Korean national na wanted dahil sa kanilang partisipasyon sa cybercrime at isang organisadong fraud ring.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga naarestong suspek na sina Ham Seong Hwan, 38, at Kim Jongbaek, 21, na nagtayo ng resident-based fraud operations sa isang bahay sa loob ng Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga.

Sa isinagawang operasyon, dalawa pang South Korean na lalaki na kinilalang sina Kim Taekyeong, 37, at Park Jinhyung, 36, ay nahuli rin sa akto ng pagtatrabaho sa nasabing ilegal na gawain.

Ang mga ulat ay nagsasaad na ang nasabing criminal group ay nang-aakit sa mga manlalakbay sa pamamagitan ng iba’t ibang platform tulad ng mga pekeng hotel website na nag-aalok ng mababang rate, mga pekeng flight, mga tour offers, at pagpapanggap bilang mga travel agent—na ang target ay ang mga taong naghahanap ng marangyang holiday celebration.

Ayon sa BI, si Park ay itinuturing na pinuno ng operasyon at napag-alamang overstaying na sa bansa mula pa noong 2024.

Samantala, inaresto rin ng FSU ng BI sa parehong araw ang isa pang puganteng South Korean na kinilalang si Park Youngjun, 43.

Inaresto si Park Youngjun sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave., sa loob din ng Clark Freeport Zone. Siya ay na-tag bilang isang undesirable alien matapos maglabas ng Interpol Red Notice laban sa kanya, kasunod ng isang warrant of arrest na inisyu ng sangay ng Seongnam ng Suwon District Court para sa kasong pandaraya na lumalabag sa mga batas ng South Korea.

Naiulat na gumawa siya ng mga mapanlinlang na account at subscription notifications sa isang pangunahing South Korean live-streaming platform, at ilegal na kumita ng humigit-kumulang 4.6 million won o higit sa P190,000.

Lahat ng apat na indibidwal ay mananatili sa holding facility ng BI habang sumasailalim sa deportation proceedings. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here