MANILA, Philippines – Byaheng India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang five-day State Visit doon.
Ang state visit ng Pangulo ay magsisimula ng Agosto 4 hanggang 8, bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Prime Minister Narendra Modi.
Matapos ang opisyal na mga pagpupulong at events sa New Delhi, ang Pangulo at ang kanyang delegasyon ay ba-byahe naman patungong Bangalore. Makakapulong niya ang business sectors sa dalawang lungsod.







