Home METRO TINGNAN: Ika-18 Las Piñas Water lily Festival ginanap sa Villar Foundation Complex

TINGNAN: Ika-18 Las Piñas Water lily Festival ginanap sa Villar Foundation Complex

353
0

ITINAMPOK ng mga kandidata ng Ms. Waterlily 2025 ang kanilang naggagandahang kasuotan na gawa sa water lily bilang bahagi ng ika-18 Las Piñas Water lily Festival na ginanap sa Villar Foundation Complex. 

Ang makulay na Waterlily Festival ay nagsimula sa Sagip Ilog project ni Senadora Cynthia A. Villar, at ngayon ay pinangungunahan nina Senador Mark at Senadora Camille Villar, na may layuning linisin at muling buhayin ang mga ilog ng Las Piñas, Zapote, at Molino. Sa prosesong ito, kanyang nadiskubre na ang tila sagabal na water hyacinth o water lily ay maaaring gawing kapaki-pakinabang na produkto
– tulad ng bag, basket, tsinelas, damit, at marami pang iba.


Mula sa adhikaing ito, isinilang ang Waterlily Festival – isang
masiglang pagdiriwang na tampok ang Ms. Waterlily at Sayaw Kabataan para sa Kalikasan. Isa itong paalala na ang basura para sa ilan ay maaaring maging kabuhayan para sa iba, at higit sa lahat, isang simbolo ng malasakit at pangangalaga sa ating kalikasan. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here