ITINAMPOK ng mga kandidata ng Ms. Waterlily 2025 ang kanilang naggagandahang kasuotan na gawa sa water lily bilang bahagi ng ika-18 Las Piñas Water lily Festival na ginanap sa Villar Foundation Complex. 
Ang makulay na Waterlily Festival ay nagsimula sa Sagip Ilog project ni Senadora Cynthia A. Villar, at ngayon ay pinangungunahan nina Senador Mark at Senadora Camille Villar, na may layuning linisin at muling buhayin ang mga ilog ng Las Piñas, Zapote, at Molino. Sa prosesong ito, kanyang nadiskubre na ang tila sagabal na water hyacinth o water lily ay maaaring gawing kapaki-pakinabang na produkto
– tulad ng bag, basket, tsinelas, damit, at marami pang iba.







