ISABELA, Philippines – Pinaglalamayan na sa ngayon ng kamaga-anak at pamilya ang isang mister matapos itong saksakin ng kanyang mismong bayaw na kainuman sa Barangay San Bernardo, Cabagan, Isabela.
Dakong 08:30 kagabi habang nagiinuman ang suspek na si Alejandro Dela Cruz Jr, 44 anyos, may asawa at ang biktimang si Ralphy Mabbayad, 32 anyis, biyudo na kapwa magsasaka at residente ng Brgy. San Bernardo, Cabagan, Isabela.
Una rito, nag-iinuman ang suspek at ang biktima sa likod ng kanilang bahay.
Kalaunan ay pumasok na sila sa loob ngunit pagpasok ng biktima ay nakita na lamang nito na may hawak na kutsilyo ang suspek na nagdulot ng komosyon.
Nang tangkaing pakalmahin ng biktima ang suspek ay dito naman ito sinaksak ng isang beses sa tiyan.
Agad namang dinala sa hospital ng kanyang pamilya ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Posibleng mayroon ng dating alitan ang biktima at suspek na siyang nag-udyok sa naturang krimen.
Samantala, bulontaryong sumuko sa barangay opisyal ang suspek at agad na ipinasakamay sa pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. (REY VELASCO)