MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Philippine Army (PA) chief Lt. Gen. Antonio Nafarrete na ipakita ang “firm leadership at unwavering vigilance” habang siya ay namumuno sa serbisyo sa gitna ng umiigting na ‘global uncertainty at security challenges.’
Sa pagsasalita sa 67th Philippine Army Change of Command and Retirement Ceremony sa Fort Bonifacio sa Taguig City, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng Army sa pagbabantay sa national sovereignty at pagsusulong ng kapayapaan at katatagan.
“You will be assuming your role at a time when geopolitical tensions and global uncertainty are high,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Nafarrete.
“This will demand your vigilance and leadership to deliver clear direction and to show a firm commitment,” aniya pa rin.
Pinalitan ni Nafarrete, dating commander ng AFP Western Mindanao Command si Lt. Gen. Roy Galido, na opisyal na nagretiro matapos ang dalawang taon bilang PA Commanding General.
Ang dalawang heneral ay mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis-Lahi” Class of 1990.
Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos kay Nafarrete ang kanyang buong suporta habang pinamumunuan ang Army sa pamamagitan ng ‘a more complex and evolving security environment.’
“I have full confidence that under your command, the Philippine Army will remain steadfast—a pillar of strength, integrity, and professionalism,” ani Pangulong Marcos.
“Bilang inyong Commander-in-Chief, ipinapangako ko na ipagpapatuloy natin at patitibayin pa natin ang ating Sandatahang Lakas,” aniya pa rin.
Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang bagong Army leadership na manatiling totoo sa misyon at kahalagahan nito at ipagpatuloy ang pagsisilbi sa bansa na may ‘tibay ng loob, paninindigan, at katapatan.
“Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang mas magampanan ng Philippine Army ang kanyang tungkulin—ang magsilbi sa bayan ng may tibay ng loob, may paninindigan, at katapatan,” aniya pa rin.
Samantala, pinagkalooban naman ni Pangulong Marcos si Galido ng Presidential Legion of Honor Award para sa kanyang “exceptional service and dedication,”
Tinukoy ang kanyang liderato sa modernisadong kakayahan ng Army, pagpapalawak sa civil-military cooperation, at pagpapalakas sa regional defense partnerships.
“The Army has been enriched by your service and will grow stronger under the leadership of its next Commanding General,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. /Kris Jose