Home ENTERTAINMENT Julia, anak daw nina Clau at Rico!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Julia, anak daw nina Clau at Rico!July 31, 2025 15:442960 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Ayaw paawat ang mga Gen Z fans nina Claudine Barretto at Rico Yan.lisipin nila ang gusto nilang isipin kesehodang malayo na ito sa nagdudumilat na katotohanan.May mga paraan naman para magsaliksik, but it seems doing research will be the last thing they will resort to.Ipagpipilitan pa rin nila ang kanilang gawa-gawang kuwento.Ang ipinalalabas naman ng mga ito: si Julia Barretto raw ay hindi totoong pamangkin ni Claudine sa kapatid na si Marjorie.Anak daw ni Claudine si Julia kay Rico na itinago lang daw nila noon at the height of their loveteam’s popularity.Inihabilin daw ni Claudine ang noo’y sanggol na si Julia kay Marjorie na noo’y karelasyon ni Dennis Padilla.Sure na sure daw ang mga Gen Z fans na si Rico ang totoong ama ni Julia dahil namana nito ang dimples ng nasirang aktor.Umabot na talaga sa ganitong level ng pag-iilusyon ang mga Clau-Rico fans bilang support sa kanilang mga idolo.Alam naman nilang napakaimposible ‘yon pero sige pa rin sila.Sa ginagawa nilang ‘yan ay ayaw nilang patahimikin ang nananahimik nang kaluluwa ni Rico.God bless them. Ronnie Carrasco III