Home METRO Manikurista itinumba ng live in partner

Manikurista itinumba ng live in partner

185
0

QUEZON, Philippines – Kaagad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen ang isang manikurista nang pagbabarilin ng kanyang live in partner na lango sa alak makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo kahapon sa Sitio White House, Barangay Lalo, Tayabas City.

Kinilala ang biktimang nasawi  na nagtamo ng tama ng  bala sa ibat – ibang parte ng katawan mula sa hindi pa matukoy na baril na si Aileen Naynes y Teoxon, 39, live in partner, manicurist, naninirahan sa nabanggit na lungsod.

Samantalang, patuloy na pinaghahanap ang tumakas na salarin na nakilala sa alyas na Alejandro, nasa hustong gulang, live in partner, residente ng Sitio White House Barangay Lalo Tayabas City, Quezon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Tayabas City Police Station sa pinangyarihan ng insidente, dakong alas – 1:00 ng madalng-araw kahapon habang ang biktima at suspek na kapwa umano nag- iinuman sa loob ng kanilang bahay.

Napag-alaman na pagkatapos  umanong mag-inuman ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi malaman kadahilanan kung saan mabilis na kinuha ng suspek ang baril nito at pinagbabaril ang kinakasama (biktima).

Nabatid sa ulat na mabilis na tumakas ang suspek lulan ng Honda TMX motorcycle with sidecar dala ang baril na ginamit sa pagpaslang sa live in partner nito namahaharap sa kasong murder. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here