CAMARINES SUR, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug personality at narekober ang humigit-kumulang P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa bayan ng Pamplona sa Camarines Sur nitong Huwebes ng madaling araw.
Sinabi ni Col. Virgilio Olalia, hepe ng Camarines Sur Police, sa ulat na ang suspek na kinilalang si “Beng,” 28, ay naaresto matapos magbenta ng P160,000 halaga ng shabu sa isang undercover agent sa Barangay Del Rosario dakong 1:52 a.m.
Narekober din ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency ang apat na knot-tied transparent plastic sachet na may bigat na 400 gramo.
Narekober mula sa suspek ang kabuuang 500 gramo ng iligal na droga, na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND