Home METRO Lolo utas nang suwagin ng aluminum van

Lolo utas nang suwagin ng aluminum van

223
0

PANGASINAN, Philippines – Tigok ang isang 70-anyos na lalaki matapos masagi ng Isuzu truck (aluminum van) habang siya ay nagbibiseklita sa highway sa Dagupan City ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Nangyari ang insidente bandang 6:30 ng umaga sa Bonuan Binloc National Highway sa naturang lungsod.

Ayon sa Dagupan City Police Station, ang biktima ay residente ng San Fabian, Pangasinan samantalang ang aluminum van ay minamaneho ng 36-anyos na lalaki na umano’y company driver at residente ng Bugallon, Pangasinan.

Ang biktima ay nakasakay ng mountain bike at nasa outer lane na bahagi ng highway papuntang hilagang direksyon nang aksidenteng nasagi ng aluminum van.

Nagtamo ng serious head injuries ang biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here