Home METRO Nasunugang vendors sa Iriga City, nakakuha ng cash aid

Nasunugang vendors sa Iriga City, nakakuha ng cash aid

246
0

CAMARINES SUR, Philippines – Nagpaabot ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 5 (Bicol) sa 10 vendor na naapektuhan ng sunog na tumupok sa isang pampublikong pamilihan sa Iriga City, Camarines Sur noong Hulyo 11.

Sinabi ni DSWD-5 Director Norman Laurio na siyam na tindero na napinsala ang mga tindahan ay nakatanggap ng PHP10,000 cash bawat isa, habang ang may-ari ng tindahan na napinsala ay binigyan ng PHP5,000.

Binigyan din ng family food packs ang mga nasunugan.

Sinabi ni Laurio na ang cash aid ay naglalayong tulungan ang mga vendor na makabangon mula sa pinansiyal na pasanin ng pagkawala ng kanilang pangunahing pinagkukunan ng kita.

Idinagdag ni Laurio na lahat ng 10 apektadong vendor ay iaassess para sa potensyal na tulong pangkabuhayan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here