Home METRO Lalaki utas nang makuryente sa Batangas

Lalaki utas nang makuryente sa Batangas

245
0

BATANGAS, Philippines – Patay ang isang 46-anyos na solar lights installer at sugatan ang dalawa niyang kasamahan sa trabaho matapos silang makuryente habang nagkakabit ng metal na poste ng solar light sa Tanauan, Batangas noong Huwebes ng hapon, Hulyo 31.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ruel. Sina Ruel at mga kasamahan na sina Mario, 35, at Andyniel, 45, ay nagkakabit ng metal na poste ng solar light nang aksidenteng mahawakan nito ang isang live wire.

Nakuryente sila at nagtamo ng mga paso. Dinala sila sa ospital kung saan idineklarang patay si Ruel.

Dagdag pa ng imbestigasyon, ang mga biktima ay mga empleyado ng Barangay Poblacion 7, Tanauan City, na nagtatrabaho sa ilalim ng kontrata para sa paglalagay ng mga solar light pole sa Tanauan-Talisay-Tagaytay Road sa Purok 2, Barangay Talaga, nitong lungsod. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here