Home METRO Partial street parking ban, iminungkahi ng DILG, MMDA

Partial street parking ban, iminungkahi ng DILG, MMDA

306
0

MANILA, Philippines – Iminungkahi ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes ang partial parking ban sa mga pampublikong lansangan sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, iminungkahi ng ahensya na ipagbawal ang pagparada sa kalye sa rehiyon sa pagitan ng 5 a.m. hanggang 10 p.m.

“The law says that public streets are not for private enterprise. And we consider parking a private enterprise. A private car on a public street,” saad ni Remulla.

“So we will now designate them as no parking zones especially in the streets which affect Metro Manila traffic. Magiging bawal na. It’s a modification of what we have now,” dagdag niya.

Iminungkahi naman ni MMDA chairperson Romando Artes na ipatupad lamang ang pagbabawal sa side street parking tuwing rush hours, na sumasaklaw sa 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m.

“Sa amin namang obserbasyon, meron namang pagkakataon na before or after rush hour na we think na puwede namang payagan,” ayon kay Artes.

“Pero again, sabi nga ni Secretary Remulla kailangan naming pag-aralan yan at ma-decide through a technical working group on a case-to-case basis per city or LGU,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ng Metro Manila Council (MMC) head, San Juan City Mayor Francis Zamora, na mas gusto ng mga local chief executive ng NCR na panatilihin ang kanilang mga indibidwal na ordinansa sa mga hindi abalang lansangan.

“When it comes to the inner roads, secondary, tertiary roads, ang gagawin po natin ay ang bawat LGU po ay mag-aassign para maging bahagi ng isang technical working group,” ani Zamora.

“Walang total parking ban for now. Ang pag-uusapan po is kada city sila po ay magsa-submit ng kanilang recommendations alin yung pwedeng payagan,” dagdag niya.

Ang pinal na bersyon ng patakaran para sa pampublikong paradahan sa kalye sa Metro Manila ay inaasahang ilalabas sa Setyembre 1, ayon kay Remulla RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here