Manila, Philippines – Hati ang opinyon ng mga netizens sa pag-smack sa lips ng mag-amang Ryan Agoncillo at Yohan.
Si Yohan ay ang adopted child ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos.
Nahuli ang pag-smack ng magtatay after ng isang car racing event.
May mga namalisyahan dahil hindi naman kasi biological dad ni Yohan ang TV host-actor.
Bukod dito’y hindi na raw bata si Yohan kundi dalaga na.
Nagbahagi rin ng kanilang opinyon sina Ogie Diaz at Mama Loi sa online program nila.
Personally, bilang ama ng kanyang apat na anak na puro babae’y hindi ito ginagawa ni Ogie.
Parang awkward daw.
But this doesn’t mean that Ogie is against such practice.
He’s merely taking into account the fact that his grown-up daughters might feel awkward kissing him in the lips.
Aminado si Ogie na noong maliliit pa raw ito’y ginagawaran niya ng halik ang mga ito sa lips.
Pero in defense of Ryan, posibleng ito ang nakagawian nang practice o umiral na dynamics in the Agoncillo household.
Kunsabagay, malice is relative.
It depends on where one is seated from, ‘ika nga.
Sa kaso nina Ryan at Yohan, there’s much ado about nothing–so why get affected by what other people say kung sila mismo’y hindi binibigyan ‘yon ng malisya? Ronnie Carrasco III