Home NATIONWIDE “Go Manila” text scam, ibinabala ni Yorme Isko

“Go Manila” text scam, ibinabala ni Yorme Isko

258
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na iwasang i-“click” ang pinadalang link hinggil sa kumakalat na text scam gamit ang programang Go Manila na layong makuha ang sensitibong personal na impormasyon ng mga mabibiktima nito.

Batay sa mga sumbong na nakarating kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, may kumakalat na text scam kung saan nagpapadala sila ng nagawang paglabag sa batas trapiko ng kanilang mabibiktima tulad ng illegal parking at iba pa na kailangang bayaran gamit ang pekeng Go Manila app.

Nakalagay sa naturang pekeng GoManila app ang isang link na kapag binuksan ng mabibiktima, makukuha na ang lahat ng personal na impormasyon na magagamit sa iba’t-ibang panloloko.

Dahil dito, nanawagan si Domahoso sa sinomang makatatanggap ng nasabing text scam na ipagbigay alam agad ito sa mga awtoridad at pinaalalahanan niya ang publiko na maging mapanuri, mag-ingat, at i-double check ang lahat ng matatanggap na mensahe sa text.

Umani naman ng reaksiyon sa mga netizens na nakatanggap na rin ng text scam na karamihan ay pumupuri sa maagang panawagan ng lokal na pamahalaan bago pa makapambiktima ng marami ang mga nasa likod nito.

Ilan din ang nagsabing wala silang sasakyan at hindi sila marunong magmaneho pero pinadalhan sila ng mensahe sa mga nagawang traffic violation. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here