Home METRO PAGASA: Bagyo sa hilagang bahagi ng monitoring domain; walang epekto sa PH

PAGASA: Bagyo sa hilagang bahagi ng monitoring domain; walang epekto sa PH

398
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Agosto 1, 2025, may nabuong tropical cyclone sa hilagang bahagi ng monitoring domain ng ahensya.

Gayunpaman, sinabi ng PAGASA na walang direktang epekto ang tropical cyclone sa Pilipinas at inaasahang pupunta patungo sa southern Japan.

“Sa kasalukuyan, isang bagyo ang nabuo sa hilagang parte ng PAGASA monitoring domain (PMD) ngunit wala itong direktang epekto sa bansa at kikilos patungong southern Japan,” saad ng PAGASA.

Samantala, sinabi ng PAGASA na mula Agosto 8 hanggang 14, maaaring pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang isang tropical cyclone-like vortex (TCLV1) ngunit maliit ang tsansa nito na maging tropical cyclone.

“Dahil dito, nababa ang tropical cyclone threat potential sa loob ng forecast period,” ayon sa PAGASA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here