Home ENTERTAINMENT Netizens, nagkagulo sa kung sino’ng kamukha ni Ziggy!

Netizens, nagkagulo sa kung sino’ng kamukha ni Ziggy!

426
0

Manila, Philippines- Lumalaki’y lalong gumuguwapo si Sixto Dantes Jr. o Ziggy.

Si Ziggy ang five-year-old na pangalawa’t bunsong anak ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sumunod si Ziggy kay Zia, born in 2015: a year after Dingdong and Marian got hitched in December.

Sa Instagram photos ni Ziggy, cute na cute ang mga netizens sa bagets sa kanyang costume.

May mga kuha pang astang nag-a-action si Ziggy.

Nagbigay-daan tuloy ‘yon para “mag-away-away” ang mga netizens sa kung kanino mas nagmana si Ziggy based on his physical features.

May mga nagsasabing “mini Dingdong” daw ang muy simpatikong bata.

Tingin naman ng iba’y male version daw ni Marian si Ziggy.

Nagpaka-safe naman ang ilang netizens sa pagsasabing ang hitsura ni Ziggy ay kumbinasyon ng kanyang mga magulang.

Matatandaang nag-viral ang pag-iyak ni Ziggy matapos ma-guilty dahil sumabit sa buhok ni Marian ang nilalarong toy car.

Payo ng mga netizens, walang ibang choice ang aktres kundi gupitin ang kanyang buhok to get it untangled. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here