Home METRO Atong Ang sinampahan ng reklamo ng mga kaanak ng “missing sabungeros” sa...

Atong Ang sinampahan ng reklamo ng mga kaanak ng “missing sabungeros” sa DOJ

293
0

MANILA, Philippines – Ipinagharap na ng reklamong multiple murder at serious illegal detention ang negostanteng si Charlie “Atong” Ang sa Department of Justice (DOJ) bunsod ng pagkawala ng mga sabungero ilan taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Ryan Bautista, kapatid ng isa sa missing sabungero na si Michael Bautista, kasama sa sinampahan umano ng reklamo ay si National Capital Region Police Office Chief retired Police General Jonnel Estomo at iba pang pulis.

Tiniyak naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magiging patas ang kagawaran at hindi agad huhusga ng hindi naririnig ang panig ng mga inireklamo.

Iginiit ng kalihim na paiiralin ang due process.

Sinabi naman ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na sasailalim sa evaluation ang inihaing reklamo ng mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Tumanggi rin si Fadullon na kumpirmahin kung sino sino ang mga sinampahan ng reklamo.

Samantala, kinumpirma ni Remulla na ang sinasabi niyang bagong testigo ay si Elakim Patidongan, kapatid ni Julie “Dondon” Patidongan. Si Elakim umano ang nakasaksi sa pagpaslang sa sampung indibidwal.

Hindi rin naniniwala si Remulla sa mga alegasyon na si Patidongan ang totoong mastermind. Natural aniya na gumawa ng kwento ang mga abugado ng kabilang kampo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here