MANILA, Philippines – Inihayag ng Malacañang nitong Biyernes ang pagtatalaga kay Ma. Cristina Sheila Canag Cabaraban bilang miyembro ng Board of Directors ng Philippine National Oil Company (PNOC).
Ito ang inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa isang press briefing.
Ang PNOC ay nilikha noong 1973 upang matiyak ang sapat na suplay ng langis at mga produktong langis upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya at panlipunang kagalingan ng bansa.
Simula noon, ginawa ang mga pagbabago sa charter nito upang isama ang paggalugad, pagsasamantala, at pagpapaunlad ng lahat ng mapagkukunan ng enerhiya ng bansa. RNT/MND