Home ENTERTAINMENT Ka-look-a-like ni Alex, sinabihang ungrateful!

Ka-look-a-like ni Alex, sinabihang ungrateful!

250
0

Manila, Philippines- To get the real vibe ay naisipan ni Alex Gonzaga na sa BPO magsagawa ng kanyang vlog.

“A Call Center Agent Day with Alex Gonzaga” ang pamagat ng vlog ng aktres.

Doon kasi nagtatrabaho ang sumikat sa social media na “kakambal” niya, si Dea.

Talagang Alex immersed herself to get the feel of what it’s like to work as a call center agent.

Dahil dinalaw din lang niya si Dea ay nagdala siya ng mga regalo para dito.

‘Yun nga lang, napansin ng mga netizens na matamlay si Dea.

At once, the netizens mistook it for Dea’s ungratefulness.

Kaagad namang to the rescue si Alex na nagsabing: “Nahihiya lang siya!”

Nakiusap din si Alex na don’t be too hard on her look-alike.

In fairness, may mga nagtanggol din kay Dea.

Anila, nasanay lang daw ang netizens sa pagiging “loud” at hyper ni Alex, hence the comparison.

Eh, iba naman ang mundong ginagalawan ng kamukha niya.

Oo nga naman. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here