Manila, Philippines- Binibigyang-pugay ng PMPC Star Awards Inc. ang mga natatanging programa, personalidad at mga pagtatanghal sa telebisyon na namayagpag noong taong 2023 — isang taon na hindi agad nabigyan ng kaukulang parangal dahil sa epekto ng pandemya.
Dahil taunang tradisyon ang paggagawad ng pagkiala sa mga talent sa telebisyon bawat taon, hindi puwedeng kaligtaan ng
PMPC ang mga ginawang pagtatanghal, maging serye man o noontime shows, news, comedy, public service, at iba pang mga kategorya ng nabanggit na taon.
At dapat lamang ang pagkilalang ito at pagbibigay-parangal sa kanila, dahil binubuhos nila ang kanilang oras at talento sa kanilang mga programang tinampukan.
Matapos ang masusing rebyu ng mga programa ng mga miyembro ng PMPC na kinabibilangan ng mga beteranong manunulat sa show business, sa print at online at sa kani-
kanilang mga vlogs, pormal na inanunsiyo ng organisasyon ang mga nominado para sa ika-37 Star Awards for Television.
Gaganapin ang pinaka-aabangang gabi ng parangal sa Agosto 24, 2025, Linggo nang gabi, sa 10th floor ballroom ng VS Hotel Convention Center sa 799 EDSA Southbound, South Triangle, Quezon City.
Ang VS Hotel Corporation ay bibigyan ng special citation na “Outstanding Achievement in Urban Hotel & Convention Development.”
Ito ay dahil sa expertise ng hotel na bumuo ng kakaiba at pinagsama-samang mga komunidad mula tirahan, opisina, at retail spaces, gayundin sa larangan ng palakasan at entertainment.
Samantala, ang German Moreno Power Tandem special award ay ipagkakaloob sa mga sikat na loveteams nina Barbie Forteza at David Licauco, at Francine Diaz at Seth Fedelin.
Sa pamumuno ng PMPC President na si Mell Navarro, Over-all Chairman na si Fernan De Guzman, at Chairman Roldan Castro, inaasahang magiging mainit ang labanan sa mga kategorya, na lagi nang inaabangan ng publiko sa loob ng mahabang panahon.
Inaasahang ang awards night ay magbibigay ng labis na kasiyahan hindi lamang sa mga mananalo kundi maging sa pagsasama-sama ng mga malalaking bituin sa telebisyon at
pagkilala sa mga naging simbolo sa kani-kanyang talento at kontribusyon, at nag-iwan ng mga magagandang alaala at inspirasyon sa kanilang mga tagahanga. JP Ignacio