Manila, Philippines- Marami ang nag-react nang mapanood sa isang video na after ng isang car event ay nilapitan ni Ryan Agoncillo ang anak na si Yohan para i-smack.
Comment ng isang netizen, “Many people will give malice on this first and of course, she (Yohan) is adopted, not real daughter of Ryan. Second, she already a grown up woman.
“I don’t think it’s a good thing. Nothing malice about it, but everything has a limit. Kaya nga hindi maiwasang may nade-develop sa pagiging kamag-anak dahil sa ganyan, dapat may limitasyon, maling-mali.”
Sa hindi magagandang comment o pamba-bash kay Ryan ay ipinagtanggol siya ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng vlog nila ni Mama Loi na Showbiz Update.
Say ni Ogie, “Ito madalas nating makita sa TikTok at sa Facebook na hanggang ngayon ay isyu ‘yung pagki-kiss ni Ryan Agoncillo sa kanyang daughter na si Yohan sa lips. ‘Yan ngayon ang pina-uusapan.
“Ang isyu kasi rito bakit daw hinahalikan pa rin ni Ryan Agoncillo ‘yung kanyang daughter sa lips samantalang ito ay dalaga na dapat daw ay hindi ginagawa. Sinasabi ng iba lalo na raw at adopted hindi niya biological daughter. Bakit mayroong ganu’n?”
Para kay Ogie bilang daddy ng limang anak niyang babae, “Ako bilang biological dad hindi ko naman ginagawa ‘yung ganu’n, hindi ko naman ginagawa ‘yun sa mga anak ko, so, dapat kong gawin dahil biological ako?”
Tanong ni Mama Loi, “Ikaw ba hinahalikan mo sa lips ang mga anak mo?”
“Hindi, inaakbayan ko tapos inaangklahan kong ganu’n (minuwestra) ganu’n lang pero para hindi halikan si lips? Nu’ng mga bata sila hinahalikan ko sa lips,” ani Ogie.
Dagdag pa, “Pero ako na mismo nakaramdam na kapag lumalaki na sila, e, medyo awkward na, sa akin lang ‘yun, ha.”
Hirit ni Mama Loi, “Naku ‘Nay baka ma-misinterpret nilang against ka du’n (sa pag-smack nina Ryan at Yohan).”
Mabilis na sagot ni Ogie, “No, no. Sa akin ‘yun Mama Loi! Hindi ko naman alam sa ibang tatay. Tulad niyang si Ryan, iba-iba ‘yung opinyon ng mga tao, hati (ipinakita ulit ibang komento ng netizens).
“Pero mas marami ang nagtatanggol. Kasi unang-una wala naman tayo do’n sa loob ng bahay (ng mga Agoncillo) bilang ganu’n ang dynamics nila bilang mag-ama kung nagki-kiss talaga sila sa lips,” ani Ogie.
Kaya ang payo ni Ogie sa mga netizens, “Wag na nating bigyan ng malisya kasi hindi lang siguro sanay ang mga tao na nakakakita ng ganu’n kasi nga grown up na ‘yung bata ay humahalik pa sa lips ng magulang kasi nga ‘yung iba hindi sweet, ‘yung iba hindi kayang gawin kasi ‘yun at hindi nila nakagisnan kaya sila naninibago.” Rommel Placente