MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang hinihinalang tulak matapos makuhanan ng P4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Pawili, Pili, Camarines Sur nitong Biyernes, Agosto 1, iniulat ng pulisya nitong Sabado.
Kinilala ni Police Lt Col. Maria Luisa Calubaquib, Bicol police spokesperson, ang suspek na si “Muni,” 30, tubong-Tondo, manila.
Aniya, nakumpiska mula sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 600 gramo.
May halaga itong aabot sa P4.08 milyon.
Pinuri naman ni Police Brig. Gen. Nestor C. Babagay Jr., acting Bicol police director, an mga operatiba at tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa matagumpay na operasyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC