MANILA, Philippines – Hinimok ni House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez ang mga Filipino na gamitin ang Digivacc, isang application na naglalayong i-track ang vaccination records ng mga bata.
Ang applicatino ay inilunsad nitong Miyerkules ng Department of Health sa pakikipagtulungan sa United Nations Children’s Fund at pamahalaan ng Japan.
“With widespread smartphone and internet use, it’s now easier for parents to stay updated on their children’s vaccination schedules. We urge every Filipino family to take advantage of this innovation,” saad sa pahayag ni Romualdez nitong Sabado, Agosto 2.
“Public health is a shared responsibility. By working together, government and citizens, we can build a healthier, stronger nation where no one is left behind,” dagdag pa niya.
Nagbibigay-daan ang app sa healthcare providers na i-track ang immunization data ng isang bata at makita ng mga magulang ang vaccination history ng kanilang mga anak, maging ang mga paparating pa.
Ang aplikasyon ay sinimulang gamitin sa 13 local government units, ayon sa House Speaker. RNT/JGC