Home NATIONWIDE DPWH nangako, rehabilitasyon ng highway sa Agusan tatapusin para sa Palarong Pambansa

DPWH nangako, rehabilitasyon ng highway sa Agusan tatapusin para sa Palarong Pambansa

269
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na makukumpleto ang rehabilitasyon ng 122 kilometrong bahagi ng Maharlika Highway sa Agusan del Sur sakto sa Palarong Pambansa sa susunod na taon.

Ang Agusan del Sur kasi ang host ng 2026 national games at ang DO Plaza Datu Lipus Makapandong Sports Complex sa Prosperidad ang magsisilbing main venue.

Sumailalim ang naturang complex sa pagkukumpuni, at upgrades kabilang ang world-class Olympic-size rubberized track and field oval, isang football field, swimming pool, air-conditioned courts, at 3,000-seat grandstand.

“It is doable, as far as my observation is concerned,” sinabi ni Engr. Ben Alden Serna, pinuno ng DPWH 2nd Engineering District sa Agusan del Sur.

“At least there is significant improvement in the rehabilitation works,” dagdag pa, kasabay ng pagpapahayag ng pag-asa na magpapatuloy ang magandang panahon sa probinsya upang hindi makaantala sa konstruksyon.

Upang masiguro naman na nananatiling ‘on track’ ang proyekto sa pagkumpleto rito, ipinaliwanag ni Serna na ang DPWH ay pansamantalang ipinagpaliban ang road widening sa mga lugar na mag-oobliga ng embankment works.

Hindi pa naglalabas ng updated percentage ang DPWH Caraga Regional Office sa Butuan City, sa kabuuang natatapos na sa proyekto.

Kamakailan ay nakatanggap ng kritisismo ang highway rehabilitation partikular na sa mga netizen at motorista dahil sa delay sa repair works.

Ayon pa sa mga motorista na bumibiyahe sa pagitan ng Trento at Rosario, nakikitaan nila ang highway ng mga lubak, bitak at hindi pantay-pantay na bahagi ng kalsada.

Sa nagpapatuloy na rehabilitation efforts, isinama dito ang serye ng pagpapabuti sa kalsada katulad ng preventive maintenance, asphalt overlaying, major repairs, road at bridge widening, concrete reblocking, at paglalagay ng road safety measures gaya ng pavement markings at signage.

Sa kabila ng mga pagsubok, umaasa ang mga lokal na opisyal na makukumpleto ang proyekto para sa maayos na daloy ng trapiko para sa Palarong Pambansa 2026. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here