Home ENTERTAINMENT Kiray, naloka sa gastos sa kasal!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kiray, naloka sa gastos sa kasal!August 3, 2025 08:472780 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Aminado si Kiray Celis na noong una’y minenos lang niya ang paghahanda ng kanilang kasal.Engaged na ang komedyana sa nobyong si Stephan Estopia.Nasa stage ngayon ang magnobyo sa preparasyon para sa nalalapit nilang kasal, bagama’t wala pa itong petsa.Ang inakala ni Kiray na madali lang turned out to be too taxing.Lahat daw kasi ng wedding ay kailangang i-oversee, kabilang ang food and wine tasting.So far naman ay kumpleto na ang kanilang entourage.“Pero hindi ko akalain na ganu’n pala kagastos! Buti na lang, hati kami ng dyowa ko!”Maging ang isusuot niyang wedding gown ay hati sila, although may ibang gastusin na inaako ni Stephan.Ipinauubaya rin daw ng nobyo sa kanya ang major decision-making: “Pag okey na sa akin, approved na rin sa kanya!”Hindi naman binanggit ni Kiray kung ilang katao ang inimbitahan nila sa kanilang pag-iisang-dibdib. Ronnie Carrasco IIi