Home NATIONWIDE 38 katao, iniulat na nasawi sa habagat, Crising, Dante, Emong -NDRRMC

38 katao, iniulat na nasawi sa habagat, Crising, Dante, Emong -NDRRMC

356
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 38 ang naiulat na bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), at tropical cyclone na Crising, Dante, at Emong, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Agosto 3, 2025.

Sa bilang na ito, tatlo sa nasawi ang nakumpirma at 35 pa ang for validation.

Ang mga nasugatan ay nasa 33 — na may 24 na kumpirmado at 9 for validation.

Samantala, ang mga nawawala ay umabot sa 8 — 4 ang na-validate at 4 pang for validation.

Umabot sa 2,365,343 pamilya o 8,592,630 indibidwal ang bilang ng mga apektado ng nasabing weather disturbances. Sa bilang na ito, 24,771 pamilya o 91,906 katao ang nanatili sa 839 evacuation centers.

“A total of 73,015 damaged houses are reported in Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 7, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, BARMM,” ayon sa NDRRMC.

Ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang umabot sa P3,277,533,297.68.

“The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 13,957,967,538.52 was reported in Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 10, Region 12,” saad ng NDRRMC.

May kabuuang 254 na lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng state of calamity, karamihan sa mga ito sa Rehiyon 1 na may 41 na lungsod/munisipyo, at Rehiyon 3 na may 47 na lungsod/munisipyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here