Home ENTERTAINMENT Kelvin, muntik nang ma-scam, nagbabala!

Kelvin, muntik nang ma-scam, nagbabala!

293
0

Manila, Philippines- We live in precarious times these days, don’t we?

The only way to avoid it ay ang paraan ding naisip gawin ni Kelvin Miranda na muntik nang mabudol ng mga impostor na nangangako ng trabaho.

Hindi na nag-aksaya ang Kapuso actor as he took to his Facebook account to warn the public–particularly fellow stars–to be wary of this existing modus operandi.

Siya mismo ang tinawagan ng isang nagpakilalang “direk Matthew.”

Ayon dito, nakipag-ugnayan daw sa kanya ang manager ni Kelvin for a project na mula sa higher-up ng GMA.

Nang malapit nang mabuko, binabaan daw ito ng telepono si Kelvin.

Smart enough, minabuti ng aktor na i-record ang kanilang pag-uusap.

Sukat ba naman daw kasing gusto ng “direk Matthew” na ‘yon na magkita sila sa isang pribadong lugar.

Maselan daw kasi ang gagawin niyang project–bold and drama.

Doon na nagduda si Kelvin who contacted Sparkle First VP Joy Mercelo to check with GMA Senior VP Atty. Anette Gozon-Valdes kung mayroon ngang ganoong proyekto.

Realizing it was all scam, nag-post si Kelvin ng babala sa kanyang FB account tungkol sa mga taong halang ang bituka. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here