Manila, Philippines- Sa isang panayam, natanong si Klea Pineda hinggil sa nagsi-circulate na tsika na si Janella Salvador daw ang third party sa hiwalayan nila ng ex na si Katrice Kieruff.
Aniya, aware raw siya na may ganoong isyu sa kanila ni Janella.
Gayunpaman, siya na raw mismo ang nagpapatunay na hindi totoo ang tungkol sa third party issue.
Katunayan, ini-expect na raw niya na pag-usapan iyon dahil sa naging closeness nila ni Janella.
Nabuo raw kasi ang friendship nila kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Leanne Mamonong sa shooting ng isang Cinemalaya film na ginawa nila.
Sa X social media naman, may nakakaintrigang tweet si Janella.
Hindi pa rin kasi siya tinantanan ng bashers hinggil sa isyu sa kanila ni Klea.
Sey niya:”You will hear from me. Right place, right time.”
Ibig sabihin, may pasabog na puwedeng pakawalan si Janella sa tamang panahon. Archie Liao