Home SPORTS Alas sumungkit ng bronze sa SEA V.League

Alas sumungkit ng bronze sa SEA V.League

304
0

MANILA, Philippines – Nasungkit ng ALAS Pilipinas ang bronze sa Leg 1 ng 5th SEA V.League matapos makuha ang una at tanging marka sa win column coutesy ng 25-20, 25-20, 16-25, 25-13 na tagumpay laban sa Indonesia noong Linggo sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Kinumpleto ng mga Pinoy ang hat-trick ng ikatlong puwesto matapos manalo ng bronze sa magkabilang leg ng regional meet noong nakaraang taon.

Ito rin ang naging 20th all-time podium finish para sa Philippine women’s national volleyball team sa international play – kalahati sa kanila ay bronze.

Hanggang sa head-to-head matchups, apat na sunod na panalo na ngayon ang Alas laban sa Indonesia mula pa noong 2024 AVC Challenge Cup for Women sa Manila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here