Home NATIONWIDE Sawa nahuli sa Villamor ilang oras bago lumipad si PBBM pa-India

Sawa nahuli sa Villamor ilang oras bago lumipad si PBBM pa-India

290
0

MANILA, Philippines – NAHULI ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) at Philippine Air Force (PAF) ang isang sawa sa bahagi ng Maharlika Presidential Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City, bago umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong India.

Sa katunayan, isang tauhan ng PAF ang naglagay sa loob ng sako ng nahuling sawa.

Tiniyak naman ni PAF commander Lieutenant General Arthur Cordura na nakagat ang isa nilang tauhan subalit agad namang binigyan ng medical attention.

”He was just administered [with] anti-tetanus, it’s not venomous naman…” ang sinabi ni Cordura.

“It might be incidental na malaki na siya, it might be malaki na siya… It’s highly possible that it migrated from one area to another. Good thing it was discovered earlier,” aniya pa rin.

Tiniyak naman ni Cordura na ang bagay na ito ay hindi isang dahilan para sa pag-aalala. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here