MANILA, Philippines – IPINANUKALA ng pag-aaral na ang malawakang adopsyon ng heated tobacco products sa Japan ay makabuluhang napangasiwaan ang pagbabawas sa buong bansa ng paninigarilyo.
Sa katunayan, iniulat ng isang pag-aaral na bumaba ng 50% ang ‘per capita’ at ang kabuuang benta ng sigarilyo sa Japan sa pagitan ng 2011 at 2023.
Ang trend na ito ay nananatiling ‘relatively flat’ hanggang 2015, nang ipakilala ang HTPs sa Japanese market, pagkatapos nito ang ‘rate of decline’ ay bumilis nang husto.
May pamagat na “Transformation of the Tobacco Product Market in Japan, 2011–2023,” ang pag-aaral ay inilathala noong October 2024 sa isang international peer-reviewed journal na Tobacco Control.
“Halving the cigarette market in Japan in just over a decade is a remarkable achievement and figuring out how to replicate this type of change elsewhere should be a priority for public health research,” ang sinabi sa pag-aaral.
Sa isa pang pag-aaral, “Switching from Cigarettes to Heated Tobacco Products in Japan—Potential Impact on Health Outcomes and Associated Health Care Costs,” inaasahan na kung ang kalahati ng mga naninigarilyo sa Japan ay lumipat mula sa combustible tobacco sa HTPs, hanggang 12 milyong tobacco‑related illnesses ang maaaring mapigilan, posibleng nakatipid ang Japanese healthcare system ng hangga’t maaari ay 454 billion yen.
Dahil dito, dapat lamang na ipagpatuloy ng Japan na iprayoridad ang “cost‑efficient measures that promote public health and economic benefits,” kabilang na ang paghikayat sa mga smoker o naninigarilyo na lumipat sa reduced‑risk products, itaas ang kamalayan sa mga panganib sa kalusugan, at pag- adopt ng harm‑based taxation approach, ang inirekomenda ng may-akda ng pag-aaral.
Ang pag-aaral ay inilathala noong September 2024 sa international peer-reviewed, open-access journal Healthcare. Ang matagumpay na kuwento ng Japan, pinagtalunan ng international health advocates, ay lumikha ng makapangyarihang kaso para tanggapin ang harm reduction sa pandaigdigang laban kontra ‘smoking-related harm.’
“Newer smoke‑free alternatives such as heated tobacco and vapes have a better chance of helping lower smoking prevalence,” ayon kay Dr. Lorenzo Mata, presidente Philippine health advocacy group, Quit for Good.
“To truly help smokers, we should prioritize education on and access to these less harmful alternatives,” ayon pa rin kay Mata.
Sa pagsasalita sa 2023 Global Tobacco and Nicotine Forum, binigyang diin ni Dr. Hiroya Kumamaru, vice director ng AOI Universal Hospital, ang pagsusulong ng Japan sa tobacco harm reduction.
Tinukoy ang 2019 data, naobserbahan ni Kumamaru na ang paninigarilyo ay nananatiling pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Japan, sinundan ng mataas na blood pressure—malamang ay sanhi ng ‘aging population’ ng bansa.
Taong 2019, halos one‑third o isang ikatlo ng mga kalalakihan at one-quarter o isang kwarter ng mga kababaihang tobacco consumers ay gumagamit ng HTPs, isang resulta kung saan inilarawan ni Kumamaru bilang “amazing.”
Pagtugon sa mga alalahanin ukol sa ‘ dual use at youth uptake’, biniyang diin ni Kumamaru na ang initiation rates ay nananatiling ‘minimal’, ipinakikita sa survey na tanging 2% sa unang taon at 1.3% sa pangalawa.
Ang mahalaga, ang rollout ng HTPs ay hindi nag-trigger sa pagtaas sa ‘ youth initiation.’
Samantala, habang patuloy na hinahamon ng smoking-related illnesses ang global health systems, ang isang dekadang pagtanggap ng Japan sa reduced-harm options ay naghahandog ng isang ‘inspiring blueprint’ para sa bansa na naghahanap para isulong ang makabuluhang pagbabago . KRIS JOSE