Home NATIONWIDE Higit 1.5K bagong negosyo pumasok sa Maynila noong Hulyo

Higit 1.5K bagong negosyo pumasok sa Maynila noong Hulyo

255
0

MANILA, Philippines – IBINIDA ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na umabot sa kabuuang 1,538 na bagong mga negosyo ang pumasok sa Maynila para lamang sa buwan ng Hulyo na mas mataas ng 371% kumpara sa buwan ng Hunyo kung saan kabilang pa ang isang linggong suspension ng trabaho dulot ng mga nagdaang bagyo at habagat.

Ang naturang pahayag ay sinabi ni Domagoso matapos ang pagbibigay pugay sa watawat nitong Lunes ng umaga sa Kartilya ng Katipunan sa Manila City Hall kasabay ng paghihikayat nito sa mga negosyante na magbukas sila ng negosyo sa Maynila at titiyakin nito na walang mang-aagrabyado sa mga ito dahil may gobyerno na sa kabisera ng bansa.

Bago ang talumpati ni Domagoso ay iniulat Manila Bureau of Permits head Director Levi Facundo, na nangasiwa sa naganap na pagpupugay sa watawat, na ang paglobo ng bilang ng mga bagong negosyo sa lungsod ay nakapaglikha ng halos 5,000 mga bagong trabaho para sa mga Manilenyo at nakapagtala ng P1.1 bilyong halaga ng pamumuhunan para sa ekonomiya ng Lungsod ng Maynila.

Nabatid kay Facundo na tumaas ang bilang ng mga negosyanteng nagnanais na magnegosyo sa Maynila nang pinatutukan ni Domagoso ang muling pagbuhay ng e-BOSS Business Permits at e-BOSS License Division kaya’t umaabot na lamang sa 30-minuto ang average na oras para mai-proseso ang lahat ng kanilang dokumento.

Ipinahayag din ni Facundo na lumobo din ang koleksiyon ng Manila Hawker’s Division na pinamumunuan ni Raffy Alejandro bilang Officer-in-Charge nitong Hulyo na umabot sa P3.5 milyon na mas malaki ng P600,000 kumpara sa nakolekta noong buwan ng Hunyo.

Maging ang Special Permits ay nakakolekta rin aniya ng mahigit P1 milyon kumpara sa P195,000 ng buwan ng Hunyo, maliban pa sa mga negosyo na tumugon sa inilabas na General Tax Amnesty na umabot sa P500,000.00 at mga permits at taxes na kanilang ipina-update na nakakahalaga ng halos P2 milyon.

Dahil ditto ay pinasalamatan ni Facundo si Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza dahil sa maayos nilang pamumuno gayundin ang kanynag mga kasamahan sa lokal na pamahalaang lungsod. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here