Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis
MANILA, Philippines – NAGLABAS ng “cease and desist” order si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso hinggil sa gagawing rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Dimasalang bridge na nakatakdang simulan sa Agosoto 9, 2025.
Ang naturang kautusan ay inilabas ni Domagoso matapos ianunsiyo ng DPWH ang nalalapit na pagsasara ng southbound lane ng Dimasalang Bridge nang walang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan.
Ayon kay Domagoso, bukod sa proyektong kulang sa mga kinakailangang work clearance at permit, walang finalized traffic management plan na inilabas ang DPWH para sa bridge rehabilitation, na nakatakdang tumagal hanggang Disyembre 15, 2025.
“Stop. May gobyerno na sa Maynila, bumusina naman kayo kung meron kayong kalsada, lubak-lubak o canal na bubungkalin,” ani Domagoso.
Nabatid na sakaling ituloy ng DPWH ang proyekto na labag sa inilabas na kautusan, inatasan ni Domagoso ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) at ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na kumpiskahin ang mga kagamitan ng nasabing ahensya at i-impound ang mga sasakyan nito.
“Of course, we welcome your projects, but the manner they are delivered can be improved. They should not be merely dumped on us, but should first be discussed with us properly,” ani Domagoso.
Matatandaan na una nang nagbabala si Yorme sa pampubliko o pribadong kontraktor na dapat ay humingi muna ng permiso sa pamahalaang lungsod sa anumang proyekto na kanilang gagawin sa Maynila.
“Hindi ako magdadalawang isip na i-impound ang inyong sasakyan o kagamitan na mahuli naming nakatiwangwang lamang sa kalsada o proyektong inyong ginagawa; disturbo na sa daloy ng trapiko, maaari pang pagmulan ng aksidente yan,” ani Domagoso.
“This is my promise: I-a-acetylene ko ulit ang mga nakatiwangwang na construction equipment sa mga kalsada sa Maynila,” babala pa ni Yorme.
Una nang lumabas sa balita na inihayag ng DPWH sa pamamagitan ng North Manila District Engineering Office na plano nitong simulan ang full deck replacement at structural improvements sa Dimasalang Bridge simula Agosto 9.
Nilalayon din nitong isara ang mga southbound lane ng tulay upang bigyang-daan ang konstruksyon, habang pansamantalang gagawing two-way traffic route ang northbound lane. JAY Reyes