Home OPINION ‘YAKAP’ PRIMARY CARE BENEFIT PACKAGE MAS PINALAKAS NG PHILHEALTH

‘YAKAP’ PRIMARY CARE BENEFIT PACKAGE MAS PINALAKAS NG PHILHEALTH

278
0

NITONG ika-28 ng Hulyo 2025, nagsama-sama ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Makabagong San Juan National Government Center para sa isang dala­wang-araw na pagpupulong. Layunin ng pagtitipong ito na mas mapalalim ang ta­lakayan ukol sa mga tagumpay ng administrasyon at mga prog­ramang isinusulong sa ilalim ng “Bagong Pilipinas”.

Isa sa mga naging tampok sa unang araw ng pagtitipon ang partisipasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa ikatlo at huling cluster discussion, kasama ang Department of Health (DOH), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ibinida ni Dr. Israel Francis Pargas, tagapagsalita ng PHILHEALTH at senior vice president for health finance policy sector, ang kanilang pinalakas na pri­mary care benefit package na “Yaman ng Kalusugan Program” o PHILHEALTH YAKAP.

Ang YAKAP ay isang pina­lawak at mas digital na bersyon ng PHILHEALTH Konsulta Packa­ge na layong magbigay ng mas madali at komprehensibong akses sa pangunahing serbisyong medical.

Ayon kay Dr. Pargas, ang programang ito ay kongkretong patunay ng layunin ni Pangulong BBM na tiyaking may akses sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan ang bawat Filipino.

Saklaw ng PHILHEALTH YAKAP ang mas malawak na serbisyo tulad ng libreng gamot, regular na check-up, at batayang laboratory tests.
Sa mga susunod na linggo, mas la­lawak pa ang mga benepisyo nito ka­bilang ang pagkakaroon ng anim na uri ng can­cer screening tests at 54 karagdagang gamot ang idaragdag sa PhilHealth GAMOT o Gua­ranteed Acces­sible Medications for Outpatient Treatment.

Samantala, nanawagan si Dr. Edwin Mercado, acting pre­sident at chief executive officer ng PHILHEALTH, sa publiko na magparehistro sa YAKAP.
Maaaring gamitin ng mga miyembro ng PHILHEALTH ang link nito sa eGovPH app upang makuha ang benepisyo mula sa mga accredited health provi­der.

Sa pagpasok ng ika-apat na taon ng administrasyong Marcos, ipinangako ng PHILHEALTH ang pagpapatuloy ng mga prog­ramang magpapatatag sa sis­temang pangkalusugan ng bansa.

Naniniwala ang ahensya na “Sa Bagong Pilipinas, mayroong Mabilis, Patas at Mapagkakatiwalaang PHILHEALTH.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here