Home HOME BANNER STORY Malalakas na pagsabog sa Palawan inaalam pa kung galing sa rocket ng...

Malalakas na pagsabog sa Palawan inaalam pa kung galing sa rocket ng China

316
0

MANILA, Philippines – Inaalam pa kung may kaugnayan sa rocket launch ng China ang malalakas na pagsabog na narinig sa Puerto Princesa City, sa Palawan kasunod ng isang fiery object na nakita sa himpapawid nitong Lunes, Agosto 4.

Ayon sa report, nagulat na lamang ang mga residente sa malakas na pagsabog at pagyanig ng lupa.

Nauna nang sinabi ng Philippine Space Agency na naglunsad ng rocket ang China mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, bandang 6:21 ng hapon.

Ang drop zone nito ay nasa pagitan ng Puerto Princesa at Tubbataha Reef.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang mga awtoridad kung may kinalaman nga ang rocket launch ng China sa mga pagsabog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here