MANILA, Philippines – Nakapagtala ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ng 20 kaso ng leptospirosis habang 41 infectious patients na ginagamot sa San Lazaro Hospital lepto ward.
Sa 41 pasyente sa San Lazaro, 14 ang menor de edad mula 13 hanggang 18 taong gulang.
Sinabi ni Dr. Romina Danguilan, NKTI nephrologist at deputy executive director for medical services na nagsimula na ang leptospirosis surge sa bansa.
Ang DOH ay hindi pa nagbibigay ng bilang ng kaso ng leptospirosis kasunod ng nagdaang mga pagbaha dahil sa pag-uulan dala ng masamang panahon.
Ayon kay Dr. David Suplico, ang chief ng San Lazaro Hospital, na inaasahang tataas ang kaso ng leptospirosis sa susunod na mga araw.
Sinabi ng NKTI na lahat ng DOH hospitals ay maaaring magsagawa ng hemodialysis, isang medical procedure na gumagamit ng makina para i-filter ang dumi at sobrang fluid mula sa dugo kapag ang bato ng isang tao ay hindi gumagana nang maayos, tulad kapag ang isang indibidwal ay naimpeksyon ng leptospirosis. Jocelyn Tabangcura-Domenden