Home NATIONWIDE Comelec nanawagan sa mga PDL na magparehistro: Voting is a form of...

Comelec nanawagan sa mga PDL na magparehistro: Voting is a form of justice

256
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga dating inmates o mga bilanggong nakalaya na na magparehistro at bumoto tuwing halalan sa bansa.

Mensahe ni Comelec Chairman George Garcia sa kanyang pagtungo sa Manila City Jail (MCJ) para sa special registration sa mga Persons Deprive of Liberty na dapat magparehistro at bumoto rin ang mga ‘laya’ na.

“Yun nga pong nakakulong eh bumuboto–yun nga pong walang laya bumuboto, eh di how much more sana yung mga nakakalaya at yung mga maluwag sa mga buhay natin”, ani Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, walang limitasyon at walang restriction ang pagpaparehistro at pagboto.

“Kumpara man natin although maliit na ikumpara diba mas dapat tayo bumuboto. Hintayin paba nating makulong tayo para lang makaboto– gayung pwede naman tayo bumoto kahit tayo ay malayang malaya,” pahayag pa ni Garcia.

Naniniwala rin ang Comelec na ito ay isang challenge para sa bawat isa.

Binigyang-diin ni Garcia na kapag naparehistro ang mga PDL, ito aniya ay dangal sa kanila at dangal ng kanilang kamag-anak pati ng ating bansa na maipagmamalaki ng bawat isa.

Aniya ang pagpapaboto sa mga PDL ay isang pagkilala sa kanila na bahagi pa rin sila ng ating lipunan.

Sinabi ni Garcia sa nakaraang halalan, napakataas ng percentage ng BJMP sa voters turnout na halos 80% ang nakaboto.

“Ibig sabihin, ganun kataas ang interes ng mga kababayan natin bagamat sila ay hindi malaya–ibig sabihin nagnanais sila na kapag lumaya na sila o kahit hindi pa sila nakalaya. magandang buhay at lipunan para sa kanilang kaanak ang naghihintay para sa kanila,” saad pa ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here