Home NATIONWIDE Manila LGU handang tumulong sa napunong emergency room ng PGH

Manila LGU handang tumulong sa napunong emergency room ng PGH

252
0

MANILA, Philippines – Handang tumulong ang pamahalaang lokal ng Maynila para sa mga hindi na kayang tanggapin ng Philippine General Hospital (PGH) lalo na sa mga Manileno dahil sa kinakaharap nitong sitwasyon kung saan ang kanilang Emergency Room ay lagpas na sa kapasidad.

Ayon kasi sa anunsyo ng PGH sa kanilang Facebook page, ang kanilng emergency room ay lumagpas sa kapasidad ng 400% na may mahigit 300 pasyente na nagsisiksikan sa pasilidad na para lamang sa 75.

Dahil dito, ang ER ng PGH ay pansamantalang hindi muna tatanggap ng pasyente maliban sa mga nasa kritikal na kondisyon.

Nang tanungin naman si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso kaugnay nito, tahasan niyang sinabi na “willing” naman ang lahat ng ospital sa Maynila na tumulong.

Aniya, sa mga ospital ay naniniwala sila na ang bawat buhay ay mahalaga at ang bawat buhay may halaga.

Bagay lamang aniya na bigyan ng sapat na atensyon yung mga nangangailangan ng tulong lalo na patungkol sa ospital.

“As far as we’ve concerned, I’m very happy that we have enough hospitals owned and run by the local government–but then again as a Filipino [bilang Pilipino] at kapwa Pilipino and especially PGH, Jose Reyes [Memorial Medical Center] San Lazaro, Philippine Heart Center, Tondo Medical and all other national lung center and all other government hospital, is the partner of the City Government hospital,” pahayag ni Mayor Isko.

Ayon sa alkalde, minsan ay nagpapalitan din ng pasyente.

“We will do the same and be nice to our neighboors, in this case– we will be happy to help,” dagdag pa ng alkalde sa panayam nang pangunahan nila ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang Bakuna Eskwela sa Rosauro Almario Elementary School nitong Lunes.

Samantala, umapela rin ang Manila Health Department (MHD) sa publiko lalo na sa mga residente na huwag isantabi ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pamumula ng mata pananakit ng kasu-kasuan, at pagdurumi o diarrhea.

Ayon kay Dr. Edgar Santos, ang Assistant City Health Officer ng Maynila, ito’y maaaring sintomas ng mas seryosong sakit.

Isa na rito ang posibleng pagkakaroon ng Leptospirosis na inaasahang darami ang mga kaso makalipas ang mahigit isang linggong mga pag-ulan na nagdulot ng pagbaha.

Payo ni Dr Santos, agad na magtungo sa Health Center para sa libreng pagsusuri at kung kinakailangan ay magtungo sa pinakamalapit na ospital para sa maobserbahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here