Home METRO 2 ‘magna’ hinuli ng mga parak sa Bulacan

2 ‘magna’ hinuli ng mga parak sa Bulacan

216
0

Bulacan – Arestado ng mga pulis ang lalaking umanoy nanghablot ng cellphone ng isang negosyante sa Brgy. Engcanto, Angat nitong Agosto 4.

Sa report ni PCPT Jayson Viola, OIC ng Angat police station, kinilala ang suspek na si alyas Mark Angelo, 29, driver, residente ng Santa Maria.

Ayon sa report, nagkunwaring magpapa- GCash ang suspek nang biglang agawin ang cellphone ng biktima at mabilis na tumakas sa lugar lulan ng motorsiklo.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari sa tulong ng 911 alert ay agad silang rumesponde kaya nahuli ang suspek.

Samantala, huli rin ng mga operatiba ng Obando police station bandang 2:00 ng madaling araw sa kaparehong petsa si alyas “John”, residente ng Balagtas na umanoy nagnakaw ng tricycle sa Brgy. Lawa.

Sinasabing naaresto ito matapos kilalanin ng biktima sa tulong ng CCTV at narekober din ang inabandonang tricycle sa Brgy.San Agustin, Hagonoy.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong nabanggit. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here