Home METRO P6,000 pension ng mag-asawang senior, tinangay sa QC

P6,000 pension ng mag-asawang senior, tinangay sa QC

225
0

MANILA, Philippines – Nanakawan ng ₱6,000 pension ang mag-asawang senior citizen sa Barangay Commonwealth, Quezon City matapos lokohin ng hindi pa nakikilalang babae.

Ayon sa CCTV, nagkunwari ang suspek na may pamimigay umanong libreng bigas mula sa isang kongresista at humingi ng pangalan at ID ng mag-asawa.

Habang abala ang matanda sa pagsusulat, kinuha ng suspek ang wallet mula sa bag.

Anim na buwan nilang hinintay ang pension na sana’y gagamitin para sa pagkain at gamot.

Isa pang senior ang nabiktima sa parehong araw.

Pinag-iingat ng barangay ang publiko laban sa mga nagpapanggap na tumutulong. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here